Pinagbawalan ng Philippines Statistic Authority o PSA ang publiko sa pag-post sa social media ng kanilang national Identification Cards upang maiwasan ang anumang panloloko.
Ayon kay PSA Assistant Secretary Rose Bautista, mino-monitor na nila ang mga netizen na maglalantad ng kani-kanilang Philsys ID.
Ilalagay lamang anya ng publiko ang kanilang sarili sa peligro kung ilalantad ang kanilang mga personal na detalye.
Tiniyak naman ni Bautista na nakatutok na ang kanilang fraud management division sa pagtukoy kung tunay o peke ang mga ipepresentang ID habang mapaparusahan ang sinumang mapatutunayang magpe-presenta ng fake national ID.
Halos 1.7 milyong Pilipino na ang nakatanggap na ng kanilang national ID.—sa panulat ni Drew Nacino