Hindi pa panahon para isapubliko ang listahan ng mga barangay officials na sangkot sa iligal na droga.
Ito ang binigyang-diin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang arrival speech kaninang umaga sa Davao City.
Ayon kay Pangulong Duterte, kailangan niya munang muling pag-aralan ang narco list na hawak ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA bago ipag-utos ang pagsasapubliko nito.
Taliwas naman ang pahayag na ito ng pangulo sa naunang statement ng PDEA na nagbigay na umano siya ng go signal upang ilabas na sa publiko ang naturang listahan.
Matatandaang sinabi rin ng PDEA na bukas, araw ng lunes, kanila nang isasapubliko ang hawak na narco list.