Idinepensa ng Kongreso ang pagbabandera nila sa publiko ng magiging kulungan ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos at sa tatlong justices ng Court of Appeals o CA.
Ayon kay Congressman Johnny Pimentel, Chairman ng House Committee on Good Government and Public Accountability, nais lamang nilang ipakita kung gaano kahanda ang Kongreso sakaling sumuway sa kanilang show cause order ang mga iniimbitahan nilang dumalo sa kanilang pagdinig.
Nagpahayag ng pag-asa si Pimentel na hindi na sila darating sa punto na kailangan nilang gamitin ang mga inihanda nilang kulungan kay Marcos at sa tatlong CA justices.
Si Marcos ay inimbitahang magbigay linaw sa di umano’y maanomalyang paggamit sa share ng Ilocos Norte sa excise tax sa July 25.
Samantala, hindi pa mapadalhan ng Kamara ng show cause order ang tatlong CA justices dahil may naka-pending pang motion for inhibition laban sa kanila.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Congressman Johnny Pimentel
Iginiit ni Pimentel na mananatiling nakakulong sa Kamara ang anim na Ilocos Norte officials hanggat hindi sila nakapagbibigay ng paliwanag sa naging papel nila sa anomalya sa excise tax ng lalawigan kahit pa abutan na sila ng pagtatapos ng Kongreso sa 2019.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Congressman Johnny Pimentel
By Len Aguirre | Balitang Todong Lakas (Interview)
Photo via Jill Resontoc (Patrol 7)