Hindi kumporme si presidential candidate at dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ilabas ang kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth sakaling manalo siya sa 2022 elections.
Ito ang binigyang-diin ni Marcos sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag sa exclusive round table interview ng A.L.C. Media Group sa pangunguna ni Chairman D. Edgard Cabangon sa Makati City, kahapon.
Binigyang-diin ng dating senador na maaari lamang magamit sa pamumulitika kung isasapubliko ang SALN gaya ng nangyari kay yumaong Chief Justice Renato Corona.
Kung may ligal na batayan, maaari naman anyang ang Ombudsman o iba pang government investigating body ang sumilip sa S.A.L.N.