Nagpahayag ng suporta ang tinaguriang Magnificent 7 o genuine minority sa mababang kapulungan ng Kongreso para kay Senadora Leila de Lima
Kaugnay ito sa usapin ng planong pagsasapubliko ng umano’y sex video ng Senadora kasabay ng pagdinig ng House Committee on Justice
Para kay Albay Rep. Edcel Lagman, wala namang masama kung papanuorin ang video ng sarilinan
Pero malaking problema na aniya kung isasapubliko ang nasabing video dahil hindi naman ito katanggap-tanggap sa paningin ng publiko
Sa panig naman ni Akbayan Rep. Tomasito Villarin, maliban sa decency, malalabag din ang napakaraming karapatan sa ilalim ng batas kung itutuloy pa ng kanilang mga kasamahan ang nasabing plano
Masyado na aniyang patriarchal ang lipunan sa kasalukuyan kaya’t nabibigyang katuwiran ang pananakot sa mga babae na aniya’y mali at hindi makatao
By: Jaymark Dagala / Jill Resontoc