Wala umanong masyadong magiging epekto sa daloy ng trapiko sa ilang bahagi ng Metro Manila ang pagsasara ng Southbound Lane ng Roxas Boulevard, simula bukas.
Sa panayam ng DWIZ, inihayag ni MMDA. Director Noemie Recio na nabawasan naman na ang bilang ng mga motorista lalo’t nasa ilalim pa rin ng alert level 3 ang Metro Manila.
Ganito rin anya ang sitwasyon sa Roxas Boulevard mula Maynila hanggang Pasay at Parañaque City.
Dahil dito, inaasahan nila sa MMDA na matatapos agad o mapaikli kahit isang buwan ng DPWH ang rehabilitasyon ng lumang drainage structure sa Libertad, Pasay.