Tuloy na ang pagsasara sa isla ng Boracay sa Abril 26.
Sa naging cabinet meeeting kagabi, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na inaprubahan na ng Pangulo ang 6-month closure ng Boracay para bigyang daan ang paglilinis sa buong isla.
Bora closed for 6 mos effective 26 April
— Harry Roque (@attyharryroque) April 4, 2018
Matatandaang inirekomenda ng Department of Environment and Natural Resources o DENR, Department of Tourism o DOT at Department of Interior and Local Government o DILG ang rehabilitasyon sa naturang tourist destination.
Kaugnay nito, i-aactivate na rin ang calamity fund sa nasabing isla para bigyang ayuda ang mga manggagawang maapektuhan ng temporary closure.
Inaasahang muling bubuksan ang Boracay sa mga turista sa Oktubre.
—-