Binigyang-diin ni Health Secretary Francisco Duque III na hindi pa kailangang magsara ng mga border ang bansa sa gitna ng banta ng monkeypox virus.
Ayon sa kalihim, inatasan na rin niya ang Bureau of Quarantine (BOQ) upang bantayan ang mga pumapasok na pasahero mula sa mga bansang may na-detect ng kaso ng monkeypox, tulad ng Canada, Italy, Sweden, Spain, Portugal, Europe, at North America.
Mababatid na kabilang sa mga sintomas ng monkeypox ay lagnat, rashes, at swollen lymph nodes.
Samantala, sa ngayon ay wala pang naitatalang kaso ng nasabing virus sa Pilipinas.