Ikinadismaya ng mga motorista ang hindi madaang bahagi ng northbound lane sa Roxas Boulevard para sa konstruksyon ng LRT 1 Cavite extension.
Matatandaang isinara ang daan sa Baclaran, Paranaque City kasunod nang pagtatayo ng pi-girder o istruktura para sa 64.9 billion extension ng LRT line 1 patungong Cavite na umabot na sa Roxas Boulevard.
Ayon sa mga motorista, inaasahan nilang malilibre na sila mabigat na traffic sa nasabing mga daan nuong linggo ng gabi pero hindi parin ito binubuksan.
Ilang commuter rin ang nagmaktol dahil nahirapang sumakay dulot ng mga saradong kalsada.
Nagpaliwanag namanang mga otoridad na bago pa man isara ang naturang mga alsada ay mayroon nasilang inanunsiyong alternatibong ruta para sa mga sasakyan at taong naglalakad pa Maynila at Pasay City.— sa panulat ni Angelica Doctolero