Nagbabala ang isang pharmaceutical group na magsasara ang malalaking kumpanya ng gamot kung tuluyang maapruban ang panukalang tapyas-presyo sa higit 100 gamot sa merkado.
Ayon kay Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines (PHAP) Executive Director Teodoro Padilla, malaki ang epekto nito sa kabuhayan ng kanilang mga miyembro.
Paliwanag pa nito, mayroon ding kompetisyon sa pagitan ng mga branded na gamot at mga generic na nakaapekto na sa kanilang operasyon.
Nakatakdang isumite ng Department of Health (DOH) ang draft ng executive order na magsusulong bawas-presyo sa mga mamahaling gamot sa bansa.