Nanganganib na magsara ang maraming bus stations.
Ibinabala ito ni Alex Yague, Executive Director ng Provincial Bus Operators Association (PBOA) sa harap ng pagkatig ng Korte Suprema sa buwanang sahod para sa mga bus drivers at konduktor.
Ayon kay Yague, hindi naman sa lahat ng panahon ay kumikita ang mga bus companies sa lahat ng kanilang mga biyahe.
May mga panahon rin aniya na walang pasahero at matumal ang kita ng kumpanya.
Gayunman, tiniyak ni Yague na handa silang sumunod sa ibinabang desisyon ng Supreme Court.
Inihahanda na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang implementasyon ng buwanang sahod para sa mga bus drivers at konduktor.
Itoy matapos katigan ng Korte Suprema ang memorandum circular ng LTFRB noong 2012 para sa part fixed part performance based scheme para sa mga bus drivers.
Ayon kay LTFRB Director Aileen Lizada, hindi maaaring bumaba sa umiiral na minimum wage ang dapat isahod sa mga bus drivers at konduktor.
Mayroon rin silang overtime pay at benepisyo tulad ng SSS.
Sinabi ni Lizada na inilabas nila ang memorandum circular upang mabawasan ang mga aksidente na sanhi ng pagmamadali at pag-aagawan ng pasahero ng mga bus dahil sa hinahabol nilang komisyon.
—-