Palalawigin ang pagsasara sa mga korte ng National Capital Region at karatig probinsiya hanggang sa ika-18 ng Abril.
Ito’y dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Kabilang sa physical closure ang mga korte na nasa Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.
Ayon kay Chief Justice Alexander Gesmundo, mananatiling nago-operate ang mga korte sa pamamagitan ng mga video conference.
Bukod dito, maaari rin aniyang tumawag sa mga hotline maging sa mga email na nakapost sa supreme court website.
Bagama’t sarado ang mga korte patuloy pa rin ang trabaho ng mga ito.—sa panulat ni Rashid Locsin