Malaking kabawasan sa posibleng transmission ng COVID-19 sa bansa ang pagsasara ng mga paaralan ayon sa DOH-Technical Advisory Group.
Sinabi ni Dr. Anna Ong-Lim ng DOH-TAG na isang pag-aaral ang nagpapatunay na malaki ang epekto ng tinatawag na non-pharmaceutical interventions para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Ang mga non-pharmaceutical interventions aniyang ito ay gaya ng pagsasara ng lahat ng educational institutions, paglimita sa mga pagtitipon, at pagsasara ng iba pang face-to-face businesses.
Naniniwala umano siya na posibleng mahawa ng COVID-19 ang mga bata at matatanda, anoman ang edad ng mga ito at nariyan din umano ang posibilidad na maikalat nila ito.
Magugunitang, sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na mas mababa umano ang infection rate ng COVID-19 sa mga paaralan kumpara sa ibang lugar.