Pinalawig pa hanggang ika-25 ng Enero ang closure o pagsasara ng Office of the Solicitor General (OSG) makaraang magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang walo nitong empleyado.
Sa inilabas na pahayag ng OSG, ang datos ng mga dinapuan ng virus ay naitala matapos na isailalim ang kanilang mga empleyado sa RT-PCR test.
Dagdag pa ng OSG, ang hakbang nitong palawigin ang ipinatutupad na closure ay para mapigilan ang hawaan sa kanilang hanay.
Gayundin ang pagbibigay daan sa pagdi-disinfect at sanitation sa OSG.
Sa kabila nito, magpapatuloy ang trabaho sa ahensya sa pamamagitan ng alternative work arrangements.