Nais imbestigahan ng Senado ang pagsasara ng planta ng Honda sa Laguna.
Ayon kay Senador Joel Villanueva, chairman ng senate committee on labor, employment and human resources development, maituturing na “cause for concern” ang pagsasara ng halos tatlong dekada nang planta ng kumpanya sa nasa Sta. Rosa.
Kasabay nito, nanawagan si Villanueva sa gobyerno na tugunan ang pangangailangan ng nasa 700 empleyado na mawawalan ng trabaho bunsod ng pagsasara nito.
Ani Villanueva, maari din magtulungan ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Department of Labor and Employment (DOLE) para pag-aralan ang akmang training na maaaring ibigay sa mga apektadong empleyado.