Kontra ang mga residente at local government ng Caluya sa Antique sa pagsasara ng Semirara Coal Mine matapos gumuho ang bahagi nito na ikinasawi ng 6 katao.
Ayon sa mga residente at local government officials, maraming nakikinabang sa nasabing coal mine dahil karamihan sa kanila ay ini-relocate para mag-trabaho sa naturang mining company.
Sa katunayan, ipinabatid ng pamilya ni Generoso Talaro, isa sa mga nasawing minero na ang nangyari rito ay bahagi ng kaniyang trabaho.
Samantala, nagpupulong na ang Sangguniang Bayan ng Caluya sa iba pang tulong na ibibigay sa mga apektadong pamilya.
By Judith Larino