Muling ipinagpaliban ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)ang pagsasara ng U-turn slot sa Caloocan City sa Enero 11.
Ayon kay MMDA Traffic Operations Chief Bong Nebrija, iniurong sa susunod na Lunes ang pagasasara ng na U-turn slot malapit sa General Malvar at Bagong Barrio sa halip na bukas, Enero 4, 2020.
Magugunitang, unang itinakda ang pagsasara ng naturang U-turn slot noong Disyembre 7 ng nakaraang taon subalit ini-reschedule ngayong araw.
Una nang sinabi ng mmda na layunin ng pagsasara ng mga U-turn slots sa EDSA ay para mas maging mabilis ang biyahe ng mga gumagamit ng EDSA carousel buses.