Mabuting balita para sa kalalakihan!
Napatunayan sa pag-aaral na ang mga lalaking nag-ma-mariang-palad o magparaos nang 21 beses kada buwan ay may malaking tsansa na makaligtas sa prostate cancer.
Batay sa pag-aaral ng Harvard University sa US, halos 32,000 kalalakihan ang sumagot sa kanilang questionnaire hinggil sa kung gaano sila kadalas magparaos.
Napag-alaman din sa resulta ng pananaliksik na malaki ang epekto ng madalas na pagpapalabas ng semilya upang maiwasan ang prostate cancer kumpara sa mga bihirang magparaos.
Ipinunto rin ng harvard university na ang binigyang-diin sa kanilang pag-aaral ay ang koneksyon ng ejaculation kontra prostate cancer. —sa panulat ni Drew Nacino