Papipigilan sa Korte Suprema ni dating Senador Bongbong Marcos ang nakatakdang pagsasauli ng Commission on Election (COMELEC) sa Smartmatic ng mga hindi nagamit na vote counting machines o VCM’S nuong eleksyon.
Ayon kay Atty Jose Amor Amorado, abogado Ni marcos, sakop ng PPO o Precautionary Protective Order ng Presidential Electoral Tribunal o PET ang mga VCM’S.
Sa ilalim ng PPO na inisyu ng PET, inaatasan nito ang COMELEC na huwag galawin at panatilihin ang integridad ng mga ballot boxes at ang mga laman nito, ang mga VCM’S at lahat ng election paraphernalias na ginamit nuong May 9 elections para sa protestang inihain ni Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.
Kinontra ni Amorado ang paliwanag ng COMELEC na hindi sakop ng PPO ang may 1,356 na VCM’S dahil mga contigency machines lamang ito at hindi nagamit nuong eleksyon.
Sinabi ni Amorado na tanging ang PET lamang ang may kapangyarihang tumukoy kung ang mga makina ay nagamit o hindi nuong nakaraang eleksyon.
By: Len Aguirre