Nilinaw ng Department of Energy o DOE na maaari namang ipawalang bisa ng Pamahalaan ang ginawang pagbili ng sapi o shares ng negosyanteng si Dennis Uy sa UC Malampaya LLC mula sa kumpaniyang Chevron
Ito ang binigyang diin ni Energy ASec. Leonido Pulido III bilang tugon sa tanong ni Sen. Imee Marcos kung ito ba’y isang ‘incomplete sale’
Nangangahulugan ito ayon kay Pulido ng divestment ni Uy sa 45 percent equity ng Chevron sa Malampaya sakaling hindi ito pahintulutan ng Gubyerno
Ayon naman kay Energy USec. Donato Marcos, sinusuri pa nila ang nangyaring bentahan sa pagitan ng UDENNA ni Uy at ng Chevron gayundin ang kuwalipikasyon ng negosyante na pumasok sa Gas Field Operations
Magugunitang Marso a-onse ng taong ito nang selyuhan ng UDENNA at ng Chevron ang nasabing kasunduan para bilhin ang 45 percent shares sa Malampaya na nagkakahalaga ng 565 milyong dolyar
Una nang iginiit ng UDENNA at Chevron na hindi sila saklaw ng Section 11 ng Presidential Decree o PD 87 o ang batas na nag-aatas sa DOE na aprubahan ang kanilang transaksiyon lalo’t may basbas din ito ng Philippine Competition Commission o PCC
“the parties are bound by the joint operating agreement (JOA), which requires the concurrence of the consortium-members to the sale namely the Shell Philippines Exploration B.V. (SPEX) and Philippine National Oil Company-Exploration Corporation (PNOC-EC).” ani ASec. Pulido
Ayon pa sa UDENNA, nakakuha sila ng loans o utang para sa transaksiyon mula sa Australia New Zealand (ANZ) Banking Group at sa ING Bank
Gayunman, iginiit ni Senate Committee on Energy Chairman Sherwin Gatchalian na ang Udenna-Chevron transaction ay isa nang done-deal
Binigyang-diin ni Gatchalian na may paglabag sa sale and purchase agreement (SPA) dahil wala itong pahintulot mula sa DOE
“and DOE is now just a footnote. DOE is just a probably a footnote, trying to complete the transaction. I don’t agree that there’s no violation.”
Pero dahil walang pahintulot mula sa DOE, sinabi ni Pulido na hindi maitututing na ‘final and concluded’ ang nangyaring bentahan ng shares