Dismayado ang mga Senador sa tila pag-deadma ng Facebook at Twitter sa pagdinig kaugnay sa online sexual abuse at exploitation.
Sinabi ni Senador Francis Pangilinan na sinayang ng Facebook at Twitter ang pagkakataong maibigay ang kanilang panig at mga panuntunan sa pagdinig ng senate committee on women, children, family relations and gender equality matapos madiskubre ng DSWD at NBI ang online adoption na idinadaan sa social media network.
Binalikan ni Pangilinan ang Facebook at Twitter na aniya’y hindi marunong makipag-usap sa mga taga gobyerno na nireresolba ang problema ng online sexual abuse at exploitation na aniya’y sadyang nakakabahala.
Tiniyak naman ni Committee Chair Risa Hontiveros na hihingan nila ng paliwanag ang dalawang social media giants kung bakit bigong magpakita sa nasabing pagdinig.