Hiniling na ng liderato ng Senado kay Pangulong Rodrigo Duterte na sertipikahan bilang urgent ang panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL.
Lumiham na sina Senate President Tito Sotto at Majority Floor Leader Juan Miguel Zubiri kay Pangulong Duterte na idinaan kay Executive Secretary Salvador Medialdea.
Nakasaad sa liham na kailangang sertipikahan bilang urgent ng Punong Ehekutibo ang panukala para diretso nila itong maaprubahan sa third at final reading bago mag-adjourn sine die ang sesyon ng Kongreso sa Hunyo 2.
Sa Senado, ang panukalang BBL ay nasa period of interpellations at susunod dito ay period of amendments at sa oras na maaprubahan sa ikalawang pagbasa ay maaari na rin itong ipasa sa ikatlo at huling pagbasa kapag sinertipikahang urgent ng Pangulo.
—-