Humirit si National Resources Commitee Chair Elpidio Barzaga kay Pangulong Rodrigo Duterte na sertipikahang ‘urgent’ ang mga panukalang batas na naglalayong i-ban ang paggamit ng mga single-use plastic.
Ayon kay Barzaga, kung gagawin ito ng pangulo ay wala pang isang taon ay posibleng magkaroon na ng pambansang batas na nagbabawal sa paggamit ng plastic.
“Dedikado tayo na maipasa ang legislation, siguro, less than 1 year makukuha natin ‘yan, lalung-lalo na kung may certification ng ating pangulo that this is a certified bill which must be acted upon immediately,” ani Barzaga.
Samantala, nangako naman si Barzaga na bibigyan ng tiyansa ang mga stakeholders tulad ng mga plastic manufacturer para humarap sa pagdinig sa Kamara upang marinig ang kanilang panig.
We will give them due process, pakikinggan namin kung ano ang kanilang depensa at nang sa gano’n, lahat ng stakeholders ay aming marinig kung ano talaga ang kanilang gusto at kung ano ang posisyon sa bill na ito,” ani Barzaga. — sa panayam ng Ratsada Balita