Hindi sapat ang ginawang pagsibak kay dating Bureau of Corrections (BuCor) Chief Nicanor Faeldon.
Ayon kay Senate Majority Floor Leader Franklin Drilon, dapat masampahan ng kaso si Faeldon dahil sa pagiging “incompetent” at pagsisinungaling nito para makaiwas sa pananagutan sa nakatakda sanang pagpapalaya kay dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.
Dagdag pa ni Drilon, maaring maharap si Faeldon sa section 6 ng Republic Act 10592 kung saan posibleng pagbayarin ng multa, sibakin sa pwesto at makulong.
Samantala, inirekomenda rin ng senador na imbestigahan ang Presidential Spokesman na si Salvador Panelo na nasangkot rin sa usapin.
With report from Cely Ortega-Bueno
Sa panulat ni Lyn Legarteja.