Ipinagtanggol ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang ginawa nitong pagsibak sa puwesto kay Vice AdmiraL Ronald Joseph Mercado bilang pinuno ng Philippine Navy.
Ayon kay Lorenzana, nawalan na siya ng kumpiyansa at tiwala kay Mercado dahil maka-ilang beses na nitong sinuway ang kaniyang mga utos.
Sinisi pa ng kalihim si Mercado na siyang dahilan kung bakit nabigo ang plano sanang pagbili ng mga barkong pandigma ng militar na nagkakahalaga ng labinlima’t kalahating bilyong piso.
Kahit aniya nagkapirmahan ng kontrata sa pagbili ng mga bagong barko, sinabi ni Lorenzana na may pinipilit pa rin si Mercado na ipasok na kumpaniya para maging supplier ng armas sa barko.
Bagama’t inamin ni Lorenzana na duda siya sa intensyon ni Mercado, sinabi nitong wala naman siyang plano na imbestigahan ito.