Muling ipinanawagan ni Vice President Leni Robredo ang pagbibitiw sa puwesto ni National Food Authority o NFA Administrator Jason Aquino.
Sa press briefing ng mga miyembro ng Liberal Party, sinabi ng Pangalawang Pangulo na dapat nang maaksyunan sa lalong madaling panahon ang problema sa bigas at Marso pa aniya silan nananawagan na mapalitan sa puwesto si Aquino.
Sang-ayon naman sa panawagang ito si Senador Bam Aquino na iginiit na mayroon talagang problema sa liderato ng NFA.
Nanindigan naman si Marikina Representative Miro Quimbo na hindi dapat pagtiisan ang pamumuno ni Aquino sa NFA dahil marami aniyang maaaring maglingkod at mamuno sa NFA.
Samantala, inihayag naman ni Senador Kiko Pangilinan na hindi lamang kakayahan ang kuwestyonable sa kasalukuyang pamunuan ng NFA kundi maging ang koruspyon na nagaganap sa ahensyang ito.
NGAYON: Vice President Leni Robredo, nagsasagawa ng press conference.
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) September 3, 2018
Robredo on rice high prices: Malaking insulto sa ating mga mga kababayan na sabihing hindi ito seryosong problema.
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) September 3, 2018
—-