Problema sa timing ang nakikita ni Atty. Allan Paguia sa tuluyang pagsibak kay resigned Philippine National Police (PNP) Chief Alan Purisima.
Sinabi sa DWIZ ni Paguia na isinabay ang usapin sa suspension order kay Makati City Mayor Junjun Binay para palabasing kahit aniya kakampi ay dapat ding parusahan.
“Mabuti yun para sa taong bayan, atleast napakita nila na kahit kakampi ng administrasyon kaya nilang i-dismiss, pero ang problema ay yung timing kasi noon pa ‘to eh, ang tagal na nito, dapat kung katulad niyan kitang-kita naman pala batay sa ebidensiya na kailangan tanggalin, bakit ngayon lang?, bakit ti-niming nila sa pag-suspend nila sa Mayor ng Makati?, kumbaga parang isinabay para malito ang tao, makita ng tao na “uy patas ang Ombudsman, nagtatanggal din ng malapit sa administrasyon, nagtatanggal din oposisyon”.” Pahayag ni Paguia.
By Judith Larino | Kasangga Mo Ang Langit