Iginiit ng RUPA o Road Users Protection and Advocates ang pagtanggal kay Secretary Arturo Tugade bilang kalihim ng Department of Transportation (DOTr).
Tinawag na incompetent ni Nick Elman, Secretary General ng RUPA si Tugade dahil sa mga hindi makatotohanang plano nito para solusyonan ang problema sa daloy ng trapiko sa Metro Manila.
Malinaw anya sa hanay ng mga taong kinuha ni Tugade sa DOTr na negosyo ang hanap nila at hindi solusyon sa trapiko.
Dahil dito, sinabi ni Elman na gagawin nila ang lahat upang harangin ang appointment ni Tugade sa Commission on Appointments (CA).
Nitong nakaraang sesyon ng Kongreso ay isa si tugade sa mga na-bypass ng Commission on Appointments.
Bahagi ng pahayag ni RUPA Secretary General Nick Elman
By Len Aguirre | Balitang Todong Lakas