Hindi na ikinagulat ng kampo ni Maia Deguito ang pagkakasibak niya bilang branch manager ng RCBC Bank.
Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Deguito, wala na rin talagang balak bumalik pa sa trabaho ang kanyang kliyente matapos masiwalat sa publiko ang nasabing anomaly.
Nilinaw pa ni Topacio, na sa panig ni Torres na matagal na itong nag-resign makaraang makaranas ng pressure mula sa mga matataas na opisyal ng RCBC para tumestigo laban kay Deguito.
Samantala, dumistansya naman si Topacio na ilahad ang mga impormasyong isiniwalat ni Deguito sa isinagawang executive session.
Sa panayam din ng DWIZ kay Atty. Macel Estavillo, Legal Counsel ng RCBC, maliban kina Deguito at Torres, inaasahan ding maparurusahan ang iba pang opisyal ng RCBC na sangkot sa nasabing anomaly.
Dahil dito, tiyak na madaragdagan pa ani Estavillo ang mga kasong isinampa laban kina Deguito at Torres dahil kanila na ring inihahanda ang mga kasong isasampa laban sa mga ito.
By Jaymark Dagala | ChaCha