Madaling iutos at sabihin ang pagsibak sa lahat ng mga Regional vice presidents ng PhilHealth pero hindi ganun kabilis ng pagpapatupad nito.
Ayon kay Senador Panfilo Lacson, ito’y dahil sa marami sa RVP’s ay protektado ng civil service law bukod pa sa hindi naman ito makatwiran at makatarungan para sa mga RVP’s na hindi sangkot sa katiwalian at hindi naaakusahan ng anumang krimen o walang anumang kinakaharap na kasong administratibo.
Pero si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, pnuri ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na tanggalin ang lahat ng mga RVP’s, alinsunod sa top to bottom revamp para masugpo ang talamak na korapsyon dito.
Dapat din anyang i-revamp o balasahin ang iba pang mga opisyal na nagpakita ng pakikipagsabwatan sa mafia dahil sa kawalang aksyon sa mga kasong isinampa laban sa mga fraudulent hospitals at clinics. ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)