Nanindigan ang Department of Transportation sa desisyon nitong sibakin si Land Transportation Franchising and Regulatory Board-Bicol Regional Director Jun Abrazaldo dahil umano sa kinasasangkutan nitong katiwalian.
Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, walang sinuman sa kagawaran ang ligtas sa pagkakasibak kung sangkot ang mga ito sa korapsyon.
Ibinatay anya ang kaso ni abrazalda sa mga nakalap na ulat ng National Intelligence Coordinating Agency at DOTR.
Ipinunto ni Tugade na bagaman presidential appointee si Abrazada, nagmula naman ang dismissal kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Samantala, nilinaw ni L.T.F.R.B. Chairman Martin Delgra na walang personal na issue sa pagkakasibak kay Abrazaldo sa pwesto.