Dapat sibakin ang mga kongresista na magpopositibo sa drug test.
Pahayag ito ni Surigao del Norte Congressman Robert Ace Barbers, kasabay ng paghahain niya ng panukalang batas para sa mandatory drug test para sa mga kongresista kada taon kasama na ang lahat ng empleyado at opisyal ng Kamara.
Bukod sa pagsibak, dapat rin anyang maipit ang lahat ng benepisyo para sa mambabatas na mapapatunayang adik.
Nakatakdang magpa drug test si Barbers upang magsilbi anyang halimbawa sa kanyang mga kasamahan sa kamara.
By Len Aguirre