Agad magtatalaga si Pangulong Rodrigo Duterte ng mga bagong commissioner ng ERC o Energy Regulatory Commission.
Iyan ang tiniyak ng Malakanyang sakaling magpasya na ang pangulo na tuluyang sibakin ang mga opisyal ng komisyon na unang sinuspinde ng ombudsman.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, hindi hahayaan ng ehekutibo na maantala ang trabaho sa ERC dahil sa naging pasya ng tanodbayan.
Batid aniya ng sambayanan ang sinseridad ng pangulo na malinis sa lahat ng uri ng katiwalian ang gobyerno kaya’t hindi nito hahayaang mamayagpag ang lahat ng masasangkot dito.
(Ulat ni Jopel Pelenio)