Nagbabadya ang naka-a-alarmang civil war sa Myanmar sa gitna ng nagpapatuloy na lumalawak na pag-a-aklas ng mga mamamayan laban sa military Junta.
Ito ang ibinabala ni United Nations Human Rights Council Chief Michelle Bachelet.
Ayon kay Bachelet, nauubusan na ng oras ang ibang bansa sa pagtulong upang mapanumbalik ang demokrasya at maiwasan ang mas malawak na kaguluhan sa Myanmar.
Pebrero nang magsimula ang kaguluhan sa naturang bansa simula nang patalsikin sa pwesto si Aung San Suu Kyi’s.
Kaliwa’t kanan din ang bakbakan sa pagitan ng militar at mga sibilyan na tinutulungan ng ilang rebeldeng grupo.
Iginiit ni bachelet na kung hindi maaagapan ay maaaring matulad ang Myanmar sa Syria.—sa panulat ni Drew Nacino