Nanganganib na lalong sumiklab ang giyera sa pagitan ng puwersa ng pamahalaan at New People’s Army o NPA.
Ayon kay dating Bayan Muna Party-list Representative Teddy Casiño, ito ay sakaling ituloy ng Pangulong Rodrigo Duterte ang plano nitong ideklarang teroristang grupo ang NPA.
Ipinaliwanag ni Casiño na hindi maiiwasan ang pag-atake ng NPA dahil isa itong rebolusyonaryong grupo.
Sinabi ni Casiño na lalo lamang lalabo ang posibilidad ng kapayapaan sa lahat ng panig kapag itinuloy ng Pangulo ang kanyang plano.
“Yung grupong yan ay naglulunsad ng rebolusyon yan eh, yung armadong paglaban nila ay ang kanilang paraan para makamit ang pagbabagong ipinaglalaban nila, kung pati nga ang Pangulo ay nag-iisip ng revolutionary government eh ano pa kaya itong mga grupong matagal nang nakikibaka.” Pahayag ni Casiño
(Balitang Todong Lakas Interview)