Kasabay ng pagpapalawig ng idineklarang Martial Law ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdurusa ng mga Moro sa Mindanao.
Ito ang babala ng NDF o National Democratic Front kasunod ng pagdipensa ni Pangulong Duterte sa ginawang pagpapalawig ng Kongreso sa kanyang deklarasyon na layong masugpo ang terorismo sa lugar.
Giit ng komunistang grupo, tiyak na ang kawalang hustisya ng mga magsasakang sumisigaw ng patas na pagtrato gayundin ang pagsikil sa kalayaan hindi lamang ng mga Moro kundi maging ng mga Kristiyano sa rehiyon.
Dahil dito, nagbanta ang NDF na aasahan na ang mga malawakang pagkilos mula sa mga magsasaka gayundin ang pag-aalsa ng mga Lumad upang protektahan ang kanilang mga lupaing minana mula sa kanilang mga ninuno.
By Jaymark Dagala
Pagsiklab ng mas malaking gulo ibinabala kasunod ng Martial Law extension was last modified: July 25th, 2017 by DWIZ 882