Naitala ang 29 na mga volcanic earthquakes at 23 na mga volcanic tremors sa Taal Volcano nitong nakaraang magdamag.
Ayon sa Phivolcs, nagtagal ang mga volcanic activities mula isa hanggang 12 minuto.
Bukod dito, may nakita ring mahinang pagsingaw sa main crate ng lake kahapon ng umaga na aabot sa 10 metro ang taas.
Dahil dito, nananatiling nakasailalim sa alert level 2 ang Taal Volcano dahilan para ipagbawal pa rin ang pagpasok sa volcano island na idineklarang permanent danger zone.