Hindi nakalusot sa isang netizen ang ginawang pagsingit umano sa pila sa immigration ng grupo ng kapamilya actress na si Angelica Panganiban.
Ayon sa social media post na nagngangalang JC Valenzuela, kinuha umano niya ang atensyon ng grupo ni Angelica kasama ang kilalang make up artist na si Juan Sarte at ang celebrity hairstylist na si Jing Monis dahil sa pagsingit sa pila sa immigration.
Sinagot naman ni Sarte sa pamamagitan ng isang gossip blogsite ang akusasyong ito.
Ayon kay Sarte, magkasabay na dumating sa airport ang grupo nila pero pumila sa magkaibang immigration lines pero nang magkaroon ng problema sa pila nina Angelica at Jing ay kanyang pinalipat ang mga ito sa kanyang pwesto at hinayaang mauna.
Sa katunayan pa anya ay ipinagpaalam niya pa ito sa mga nasa likod ng pila nila at pumayag naman daw ang mga ito.