Kinumpirma ng Department Of Health o DOH ang nagkaroon ng upward trend o pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa mga pagamutan sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ito’y matapos na makatanggap sila ng mga balita hinggil sa pagtaas ng bilang ng mga dinadapuan ng virus.
Pero paglilinaw ni Vergeire, hindi pa rin ito maituturing na second wave ng COVID-19.
Kaugnay nito, may ilang lumutang na ang naganap na pagtaas ng kaso ng virus ay dahil sa mga ginawang pagsisimula ng vaccination program sa mga ospital.
Sagot dito ng DOH, kinakailangan munang maghintay ilang linggo para mapatunayan kung ito nga ba ang tunay na dahilan o rason sa naturang usapin.