Hindi malabong mangyari sa Pilipinas ang naranasang pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa Indonesia dahil sa delta variant.
Ito’y ayon kay Prof. Guido David ng OCTA research matapos muling tumaas sa 1.21 mula sa 1.15 ang reproduction number sa NCR.
Ayon kay David, kung titingnan ang vaccination level at economic situation ng indonesia ay hindi nalalayo ang Pilipinas dito kaya’t malaki ang posibilidad na mangyari din satin ang muling paglobo ng kaso ng COVID-19.
Ani David, lahat ay nais na maiwasan ang pangyayaring ito kaya naman kinakailangan ng mas mahigpit na restrictions.
Ilan aniya rito ay ang pagpapahaba ng curfew hours at pagbawas sa kapasidad sa mga business establishments lalo na ang mga indoor dining.