Pwede umanong maiwasan ang tinatawag na post-holiday surge ng COVID-19 sa bansa.
Ito’y ayon sa OCTA research sa gitna ng pangamba sa posibleng paglobo ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas pagkatapos ng holiday season.
Sinabi ng grupo na mangyayari lamang ang pagtaas ng COVID-19 case kung magiging maluwag sa restrictions at mawawala ang disiplina ng publiko.
Kaugnay nito, paalala ng grupo huwag magpakakampante at manatiling iobserba ang mga safety at health protocols para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.