Nababahala si Treatment Czar at Health Usec. Leopoldo Vega sa napakataas nabilang ng mga naitatalang positibo sa COVID-19 sa bansa.
Ito’y makaraang pumalo sa mahigit 3k ang mga naitatalang kaso ng Department Of Health o DOH nitong nakalipas na dalawang araw.
Ayon kay Vega, ginagawa ng pamahaalan ang lahat para masolusyunan agad ang problema lalo’t dumarami na ang mga bagong variant ng COVID- 19.
Bagama’t unti-unti nang binubuksan ng pamahalaan ang ekonomiya, sinabi ni Vega na kailangang tapatan ito ng ibayong pag-iingat ng publiko upang pigilan ang pagdami pa ng mga tinatamaan ng virus.