Nakitaan ng pinakamataas na COVID-19 infection rate nitong nakaraang linggo ang Lapu-Lapu City, Mariveles, at Laoag City.
Iniulat ng OCTA research group na mula sa 21 na naitala noong nakalipas na linggo ay tumaas sa 66 ang COVID-19 cases sa Mariveles, Bataan na may infection rate na 1.83 at 47.08 average daily attack rate.
Tumaas din ang mga kaso ng virus sa Laoag City sa 46 mula sa dating 25, na mayroong infection rate na 2.07 at incidence rate na 40.03.
Nakapagtala naman ang Lapu-Lapu City ng 50 kaso mula sa dating 31 at may infection rate na 1.62 at incidence rate na 11.16.
Maliban sa mga nabanggit na lugar ay itinuturing din na high risk areas ng OCTA ang Davao City, Iloilo City, Bacolod, General Santos, Baguio at Santa Rosa sa Laguna.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico