Ikinabahala ng Department Of Health o DOH ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga namamatay sa COVID-19 sa buong Panay.
Ayon kay Dr. Daphynie Teorima, Medical Officer 3 ng DOH Region 6, umabot na sa halos 1,300 ang namamatay sa naturang virus sa Panay island.
Bukod dito, nasa 10 hanggang 20 ang namamatay sa COVID-19 sa Panay kada araw na nagresulta sa maraming bangkay sa nagiisang crematorium sa lugar.
Sinabi pa ni Teorima na pansamantala munang itinigil ang cremation ng mga bangkay na namatay sa virus sa Panay kung saan walang magagawa ang lokal na pamahalaan kundi ilibing ang mga ito sa loob ng 12 oras.