Muling magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo sa Martes.
Ayon sa Unioil Petroleum Phillipines, posibleng tumaas ng P2.00 hanggang P2.10 kada litro ang presyo ng diesel habang P1.40 hanggang P1.50 naman sa kada litro ng gasolina.
Kabilang sa mga kumpanyang nag-anunsyo ng dagdag presyo ay ang Chevron Philippines Inc. Ocaltex, Flying V, Petron Corp., Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Inc., na magpapatupad ng price hike na P0.55 sa kada litro ng gasolina, P0.90 sa diesel at P0.95 sa Kerosene.
Ito na ang ika-6 na sunod na linggong magkakaroon ng oil price hike.—sa panulat ni Hya Ludivico