Naghain ng panukalang batas si Senadora Riza Hontiveros para palakasin ang umiiral na batas hinggil sa sexual harassment
Batay sa isinumiteng Senate Bill 1326, papatawan ng mabigat na parusa ang sinumang nambabastos o nang-aabuso sa isang babae lalo na sa harap ng publiko
Pakingan: Bahagi ng pahayag ni Sen. Hontiveros
Sa ekslusibong panayam kay Sen. Hontiveros sa programang Balita Na Serbisyo Pa sa DWIZ, ipinaliwanag ni Hontiveros ang kahalagahan sa pagpasa ng dagdag na ngipin sa mapapatunayang lumabag sa karapatang pantao ng mga kababaihan lalo na sa usapin ng sexual Harassment.
Dagdag pa ni Hontiveros, sa panukalang Safe Streets and Public Space Act of 2017, maging pagsipol at paninitsits sa mga kababaihan o LGBT ay saklaw ng panukalang batas. Maaring dumulog ang isang nabiktima sa mga kapulisan o sa mga enforcers at inaatasan ng batas ang mga nasabing may kapangyarihan na sitahin at bigyan ng alalay ang mga nabiktima ng nasabing violation.
Sakaling maisabatas, bibigyan ng ticket ang sinumang lumabag sa unang pagkakataon, isasailalim sa community service sa ikalawang paglabag at posibleng maharap pa sa asunto sa ikatlo.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno