Mas mabilis pa umano ang pagtaas ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 ngayon kumpara noong mga buwan ng Hulyo hanggang Agosto.
Ganito ikinumpara ng University of the Philippines o UP Octa-research group ang datos ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay UP-OCTA research group member Prof. Guido David, posibleng ang bagong variant ng COVID-19 ang siyang dahilan ng pagtaas ng positivity rate lalo na sa Metro Manila sa nakalipas na isang linggo.
Alam naman natin na kailangan natin ng scientific evidence para masabi talaga na may variant pero ang sinasabi natin nakapag bio surveillance na tayo nakapag-genosequencing pero kulang pa. Ang sinasabi natin base doon sa trend kasi hindi natin nakita na ganito kabilis, kumalat yung virus na kilala natin, kilala na natin iyon e’ alam naman natin kung paano siya i-manage,facemask,faceshield. Kumbaga para sa pelikula natalo na natin halos yung virus dati, pero noong bumalik siya mas malakas siya,″pahayag ni Dr. Guido David.
Dahil dito, naniniwala ang UP Octa research group na patuloy pang tataas ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong buwan lalo’t posibleng may lumabas pa na mas delikado at matatapang na variant ng virus.
Kailangan nating magtulungan, kasi by next week baka naa four thousand cases na tayo and after two weeks baka nasa five thousand cases na tayo kaya panawagan ni David sa publiko, limitahan pa rin ang aktibidad kahit may pagluluwag na upang hindi masayang ang mga tagumpay na nakamit ng bansa sa paglaban sa COVID-19,” ani Dr. Guido David.