Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa posibleng pagdami ng COVID-19 cases sa susunod na buwan.
Ayon sa kagawaran, ito’y dahil ilang lugar na sa bansa ang nakitaan ng bahagyang pagtaas ng kaso ng COVID-19 matapos ang Semana Santa.
Inaasahan namang aabot sa 1,000 ang mga bagong kaso kung hindi pa rin masusunod ang mga health protocols.
Samantala, tinututukan sa ngayon ng DOH ang pagdami ng COVID-19 cases.