Tinututukan na ng Department of Health (DOH) ang pagtaas ng dengue cases sa tatlong rehiyon sa bansa.
Tinukoy ni DOH-Epidemiology Bureau Chief, Dr. Alethea De Guzman ang Region 3 o Central Luzon, Region 7 o Central Visayas at Region 9 o Zamboanga Peninsula.
Malaki anya ang kontribusyon ng tatlong rehiyon sa mga bagong kaso noong nakaraang buwan, maliban sa Metro Manila.
Batay sa datos ng DOH, aabot sa 6,622 dengue cases ang naitala sa bansa mula April 10 hanggang May 7.
Sa naturang bilang, 908 cases o 14% ay mula sa region 8; 881 cases o 13% sa region 7 habang 593 cases o 9% sa region 3.
Una nang iniulat ng kagawaran na nakapagtala sila ng pagtaas ng dengue cases simula noong katapusan ng Marso 20 hanggang Abril 30 na umabot sa 11,435 kumpara sa 5,901 cases sa kaparehong panahon noong isang taon.