Kakayanin ng healthcare system ng bansa ang pagsirit ng COVID-19 cases.
Ito ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ay kung severe at critical cases lamang ang maa-admit sa mga ospital.
Sinabi ni Vergeire na sasapat ang kasalukuyang kapasidad ng mga ospital na tumugon sa severe at critical cases kung tuluy-tuloy ang dalawang linggong lockdown hanggang mag MECQ na sa Metro Manila.
Kasabay nito, hinimok ni Vergeire ang mild at asymptomatic COVID-19 patients na magtungo sa mga temporary treatment at monitoring facilities samantalang ilang hotels ang nai convert na bilang COVID-19 facilities para sa mas kumportableng isolaton period.